“
“He is garrulous, yes. But he is a seasoned executive mind. It’s only been a hundred & some days. We see movement, yes. If we can see & hear past the din, this is a bullishness we haven’t seen in a long time. Hindi talaga tayo sanay sa asal kantong-macho sa Palasyo. Puro Polo Club boys ang nakasanayan natin. (well, macho din naman yung iba do'n at alam aling tinidor ang gagamitin at hindi sadyang mangungutyâ ng ibang bansa, pero may bagal din siguro do'n, baka di tayo sanay sa liksi nito?) So maybe a little more time? We have to give ourselves a chance. The histrionics make it hard sometimes to focus on the more important movements of government- but it comes with his ‘fearless dominance.’ (kailangan naman yon, kaysa sa lalamya-lamya)Every administration has its forte, every administration has its shit. Let’s work with the strength of this one. And I will judge it by its speed of providing services- sa health, sa schools, sa roads, sa courts, sa law enforcement na serving and protecting talaga, at sa pag improve ng taxation natin. (please babaan ang taxes, lalo na sa mid to low income bracket) Do'n tayo tumingin. Kaya ko bang palagpasin lahat ng “putangina or go to hell Obama?” Well, sana mas konti siguro no'n, at sana propio ay umiral minsan-minsan, pero sige lang, focus muna sa institutions and service provision. Kaysa naman impeccable manners pero ang yumayaman lang tropa nila. Ayoko naman ng may “putangina” na nga every other sentence tapos wala pang nag i-improve sa services. I AM SURE that mere static noise is not this admin’s game plan. So let it unfold. Tell this administration we’re watching. And we’re focused on the institutions that will lend more Filipinos a better stab at a dignified life. (yun nga, health, education, care for women and children etc (Google UN SDGs)Kung nakatingin ka lang sa DeLima shit the past month, mali ang focus mo. May iba pang nagaganap at marami pang ibang kailangang panoorin! Ang Dep Ed, ang DOH, higit sa lahat. Basic yon. May gumagalaw ba do'n? Yan ang mga tanong. Hindi kung “siya ba ang nasa sex tape o hindi.” Baka mali rin mga tanong natin minsan. Or baka mali rin ang naco-cover ng media dahil yun ang may ingay. Baka iba rin ang trip talaga ni President Duterte - hindi naman lahat ma-sasakop ng unang isang daang araw. Pero game na. Tingin na tayo sa mga institusyon. Sa Dept of Justice. Sa BuCor. Sa DFA. Sa DILG. Sa traffic. Sa PNP. Sa CHR. Pause muna sa chismis ng mga babe or subuan ng saging na sabâ. Pause.So anyway, sige lang, more time, more time. Pag kumontra ngayon, useless lang, lalo lang siya ma aasar, hindi makakatulong ang pag diskaril sa ngayon. Try tumulong kung sa'n mang field of expertise mo. Stay in your swim lane, guard your zone. If it’s in business, stay there, work there. If it’s education, stay there, contribute. Legislation, same. Kung sports, sports. Artista ka? Go! Kailangan ng bansa ng sining. Nasa sining kadalasan ang sagot at linaw. At please- wag mag synthetic drugs. Pusher ka? Tago ka na. Adik ka ba? Pa rehab ka na. If you’re a parent, raise your children with a love of country. Leave the media to parry with this, for now. But keep an eye out. And criticize when you feel it is necessary. But do your work. Do your work and hope.Go by waves. Decide for changes in waves. Let this wave pass. Let some waves engulf you. Surf over some. But move move move. And watch and watch and watch. And don’t drown. NO DROWNING ALLOWED. And only hope if you work alongside that hope. And walk alongside that talk. This is a choice we can make periodically. Sige lang, may bukas naman lagi. Wala munang kukurap. Wala rin munang bibitaw. Maaga-aga pa. Sige lang. Hindi ako natatakot, kaya ng Pilipinas kahit ano. Kaya ng Pilipino maski ano.“ 🇵🇭✌🏼️-sagot sa OFW na hindi sigurado kung "ano na bang nangyayari diyan.”
GBC/13 Oct 2016/ Singapore