Sunday, November 4, 2007

Queggs

Swak na swak sa panlasa ng mga pinoy ang kwek kwek. Kahit saang sulok yata ng Maynila, may vendor ng kwek kwek. Maliban na lang sa La Salle.

Walang kwek kwek sa La Salle. Hindi kami kumakain ng kwek kwek, pero kumakain kami ng quail eggs na binalutan ng kung ano man ‘yun na kulay orange. Ang tawag namin dun, Queggs- pinagsamang quail at eggs.

Wow, kahit street food, conyo pa rin ang dating!

Kaya tuloy palagi na lang kaming inaakusahan na mayayabang at mapang- mata.

Hindi naman talaga.


Nung isang araw, nanonood kami ng America’s Next Top Model ng mga pinsan ko nang aksidente niyang nailipat ang channel sa 8. Big Brother ang palabas nu’n. Dahil commercial pa naman sa etc, pinanuod muna namin ang mga housemates.

Bigla na lang nabanggit ng pinsan ko, “Ang coÑo pala ni Mariel”.

Oo nga
, sagot naman ako.

“Crap!”, sigaw ng konsensiya ko. “You actually agreed with her, eh ganun ka rin, right? So, is that your way of admitting that you’re also coÑo?”

Napaisip ako.

CoÑo.

CoÑo ba ‘ko?

Sabi ni Keng, medyo.

Sabi ko, depende.

Depende sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng CoÑo. Kung ibabase lang ang pagiging CoÑo sa pagsasalita, oo, 80% na CoÑo ako. May allowance na 20% dahil pag lumalabas naman ako ng La Salle, nagagawa ko pa ring (kahit papano) makipag- usap sa paraang normal sa ibang tao; na hindi naman normal sa isang Lasalista.

Magulo ba?

Ganito kasi ‘yon:
Paminsan meron talagang mga ideas na pumapasok sa utak ko sa salitang Ingles at may mga conversations din na mas malinaw sa Ingles. Sa La Salle, walang problema do’n. Pag sa labas ng La Salle ako nag-uuminlges, baka masapak pa ‘ko o kaya mabato dahil tingin ng iba, kaartehan ‘yon.

Kapag nasa La Salle ako, parang walang mali; parang sakto lang. Pero pag labas ng campus, napapaisip talaga ko. May mali ba?

Mali ba ‘yung makipag- usap sa Ingles?
Trying hard ba ‘yon kahit effortless naman sa’yo ang English conversations na nosebleed para sa iba?

Mali ba ‘yung gawin ang lahat ng paraan para maiwasan ang paglusong sa baha?
Kaartehan ba ‘yun? ‘Di ba ‘yun ang tama?

Mali ba ‘yung pagbebeso- beso?
‘Di ba paraan lang naman ‘yun ng pagbati o pagpapaalam? Parang ‘yung ginagawang pag- aapir ng mga tambay sa kanto.

Mali bang sabihin ang totoo?
Eh kung totoong first time lang sumakay ng dyip nung tao, anong magagawa mo? Kung totoong sa VIP section ng Embassy bar ang party nya, may problema ba? Kung orig talaga ang handbag niyang LV, maaapektuhan ka ba?




May mali ba?
Mali ba talaga, o mali lang dahil kakaiba?

Comments:
i didn't know you have blogspot account..first time ko ma-open and yeah..i sOoOoOo agree with you liana!!..HAHAHAHAHA..

why do "they" get irritated sometimes and accuse others na kexo we're conyo and all when we converse in english outside school?!..basta!!!..haha..

super true!!..

i'll see you..
 
elow, madel!

tnx for visitng my page...


link me blogspot mo ha?

tnx!
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]