Sunday, September 30, 2007
Masaya 'ko, ikaw?
Paano ba masasabing masaya ang isang tao? ‘Pag ba nakangiti o tumatawa masaya na? ‘Pag ba minsan nalulungkot ka ibig sabihin ‘di ka na masaya?
Kahapon, galing kami sa Araneta ng tatay ko. Naka- berde ako, naka- puti siya. Alam niyo na siguro kung ano ang ipinunta naming dun.
Masaya kami pauwi. Siyempre, panalo eh. Kahit naubos and boses ko kakasigaw at kahit halos lumundag ang puso ko sa lakas ng tunog ng mga drums, sulit pa rin! Libu- libo man ang mga taong nagsisiksikan sa loob ng Araneta, wala kaming pangamba. Walang nag- iisip na baka manakawan o baka magkagulo. Walang ibang inaalala kundi ang laro. Parang ‘yun lang importante sa mga oras na ‘yon. ‘Yun lang ang inaabangan ng buong Pilipinas para sa ‘min.
Pagkatapos ng laban, sabay sabay na nag- alisan ang mga tao. Kumpul- kumpol pa rin ang mga berde at asul.
Naglalakad kami ng tatay ko nang may lumapit sa ‘ming nanlilimos sa may parking lot. Kawawa naman, naisip ko. Gusgusin ang itsura at nangangyayat. Walang dudang ‘di nakakakain sa oras. Siguro, halaga lang ng blouse, pantalon at tsinelas ng isang lasalista at atenista, mabubuhay na ang batang ito sa loob ng isang taon.
Napaka- unfair ko pala.
Paminsan nasasabi kong hindi ako masaya dahil lang may isang pangyayaring nakakalungkot; dahil lang sa isang talo sa UAAP, sa isang mababang marka, sa isang damit na ‘di ko nabili dahil wala ng size. Ang babaw. Nakakalungkot ‘pag nabigo ka, pag nawalan ng minamahal, pag di nasunod ang gusto. Mababaw pa rin.
Unfair ang buhay, oo.
Unfair ang buhay; pero di dahil kahit kelan ‘di ka pwedeng maging laging masaya.
Unfair ang buhay; dahil may mga taong kahit minsan hindi naging masaya.
Masaya ba ‘ko? Oo.
Masaya ba ko lagi? Hindi.
Pero kahit may mga oras na nasasaktan ako at may mga oras na parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, sasabihin ko paring masaya ako. Hindi patas and hilingin mong sa lahat ng oras makulay at puno ng halakhak ang buhay para lang masabi mong masaya ka. May mga taong nagugutom, walang matiran, hindi makapag- aral, walang bagong damit kung Pasko; kung dahil lang sa simpleng mga bagay sasabihin mong hindi ka masaya, pano naman sila? Parang inalisan mo na sila, hindi ng karapatan, kundi ng pag- asa para lumigaya.
Oo nga pala, ikaw, masaya ka ba?

Subscribe to Posts [Atom]